PANOORIN! Mayor Sara Duterte may mensahe sa mga taga Suporta "Gamitin nalang Natin ang Pera Para sa mga Nagugutom!"

Sa kabila ng kaliwa't kanang panawagan at panghihikayat ng mga taga-suporta ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo ito bilang Pangulo sa darating na 2022 Presidential Election, isang tagubilin ang binitawan ng Alkalde.
"Nagpapasalamat ako sa suporta ng mga naniniwala sa akin at sa aking abilidad. Pakiusap ko po, sana 'huwag tayo mag-motorcade dahil una, magastos sa gasolina. Ibigay natin ang budget sa motorcade sa mga taong kulang ang pambili ng pagkain," ani Inday Sara.
"Pangalawa, maaabala natin ang traffic at ibang motorista at pangatlo, ang paggamit ng sasakyan sa hindi importanteng lakad ay nakakapagpalala ng air pollution," dagdag pa ng Alkalde.
Maagang nagtipun-tipon ang pangkat ng mga tagasupota ni Sara Duterte sa pangunguna ng Alyansa Ni Inday Movement habang isinisigaw ang mga katagang 'Run, Inday, Run'.
Naniniwala raw ang grupo na si Mayor Sara ang nararapat na umupo bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas upang ipagpatuloy umano ang magagandang nasimulan ng ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng mariing paninindigan ni Mayor Sara Duterte na wala umano siyang balak tumakbo bilang Pangulo ng bansa. Mismong si Pangulong Duterte ay nauna nang sinabing hindi niya umano papayagang tumakbo ang anak.
Panawagan ng isa sa nabanggit na grupo, naroroon lamang daw sila upang sumuporta. Hindi umano ito bahagi ng pangangampanya at wala rin umano silang koneksyion sa Pamilya Duterte. Hindi rin umano sila kilala ng Alkalde.
"Ito po'y bunga ng isang boluntarismo. Wala po itong bayad o hindi po kami naglilikom ng anumang pera. Ito po'y ambag-ambagan lang po talaga, kanya-kanya po itong pag-aambag," saad ni Dr. Alvin Sahagun, Presidente ng Alyansa Ni Inday Movement.
Nag-motorcade ang mga ito sa kahabaan ng EDSA at saglit na tumigil sa People Power Monument. Pagkatapos ay muli silang nag-motorcade sa Commonwealth Avenue.
Samantala, nilinaw naman ng grupong Alyansa Ni Inday na hindi sila ang nasa likod ng mga nagkalat sa Metro Manila na tarpaulin na may nakasulat na 'Run Sara Run Para sa Bayan 2022'.
Ayon sa grupo, hindi umano nila hinihikayat ang paggamit ng tarpaulin dahil bukod sa makalat, boses lamang umano nila ang kailangang marinig.
Dagdag pa ng grupo, nirerespeto umano nila ang desisyon ng Alkalde kung ayaw nitong tumakbo at handa rin umano silang suportahan ang kandidatong susuportahan nito.
"Narinig ko po ang panawagan nila at 'di na kailangan mag-motorcade at mag-tarpaulin. Kung gusto niyo po tulungan ako, gamitin natin ang pera para sa mga nagugutom," pagtatapos ni Mayor Sara Duterte.
{SOURCE}
No comments: